Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-aasang matitigal na ang sagupaan sa gawing hilaga ng Myanmar at babalik sa normal ang kalagayan sa purok-hanggahan ng Myanmar at Tsina. Sinabi ni Hua, na sa mula't mula pa, suportado ng Tsina ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Myanmar. Umaasa aniya siyang magsisikap ang mga may-kinalamang panig ng Myanmar para mapahupa ang kasalukuyang maigting na kalagayan, pasulungin ang prosesong pangkapayapaan, at panumbalikin ang katatagan sa rehiyong ito. Nakahanda aniya ang Tsina na gumanap ng konstruktibong papel sa usaping ito.
Nauna rito, kinatagpo sa Beijing ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang dating Embahador ng Myanmar sa Tsina at kanyang entorahe.