|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na patuloy na hahanapin ng kanyang bansa ang bumagsak na Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Sinabi niyang naghanap na ang kanyang bansa sa lawak na 26 libong kilometro kuwadradong rehiyong pandagat para rito. Ito aniya ay katumbas ng 44% ng kabuuang saklaw ng paghahanap.
Umaasa pa aniya siyang matatapos ang lahat ng gawaing paghahanap sa darating na Mayo ng taong ito. Naniniwala siyang makikita ang eroplanong ito sa rehiyong ito.
Bukod dito, ipinahayag naman ni Tony Abbott, Punong Ministro ng Australia, na patuloy na nagsisikap ang kanyang bansa para hanapin ang naturang eroplano.
Ito aniya ay para makidalamhati sa mga kaibigan at kapamilya ng lahat ng mga taong nasawi sa pagkalawa ng eroplanong ito.
Kamakalawa, pinagtibay ng Parliamento ng Australia ang isang panukala bilang paggunita sa unang anibersaryo ng insidente ng MH370.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |