Ipinahayag kagabi ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Pambansa ng Tsina, na sapul nang maganap ang digmaan sa dakong hilaga ng Myanmar noong ika-8 ng kasalukuyang buwan, nagdulot na ito ng human casualty ng mga mamamayang Tsino sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar.
Sinabi ni Geng na ang nasabing digmaan sa dakong hilaga ng Myanmar ay grabeng nagsasapanganib sa kaligtasan at katatagan ng purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar, at sa seguridad ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa purok-hanggahan. Aniya, isinasagawa ng hukbong Tsino ang mga hakbangin para mapalakas ang pamamatrolya at pangangalaga sa seguridad sa purok-hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng