Idinaos kahapon sa Saudi Arabia ang dalawang araw na ika-5 Magkasanib na Pulong ng Komisyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Saudi Arabia. Sinabi ni Ibrahim Bin Abdul-Aziz Asaf, Ministro ng Pinansiya ng Saudi Arabia, na winiwelkam at inaasahan ng kanyang bansa ang pakikilahok sa mungkahing iniharap ng Pamahalaang Tsino tungkol sa pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Gao Hucheng, Ministro ng Pinansiya ng Tsina, na sapul nang idaos ang ika-4 na Magkasanib na Komisyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Saudi Arabia noong 2010, natamo ang positibong progreso sa kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura, enerhiya, at siyensiya't teknolohiya. Aniya, nitong nagdaang 13 taong singkad, ang Saudi Arabia ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Tsina sa rehiyong Arab. Winiwelkam at inaasahan ng panig Tsino ang pakikilahok ng Saudi Arabia sa konstruksyon ng AIIB, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng