|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, 24 bansa ang sumapi sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) bilang miyembrong tagapagtatag. Kaugnay nito, sinabi ni Ei Sun Oh, mananaliksik ng Rajaratnam School of International Studies (RSIS) ng Nanyang Technological University (NTU) ng Singapore na ang pagtatatag ng AIIB ay makakatulong sa konstruksyon ng imprastruktura ng mga bansang Asyano.
Sinabi niyang karamihan sa mga bansang Asyano ay may pangangailangan sa pagpapasulong ng imprastruktura para mapalago ang pambansang kaunlaran. Sa gayon, mapapasulong din ang pag-uugnayan ng mga kasaping bansa sa dagat, lupa at himpapawid. Ipinahayag din niyang makakatulong din nang bahagya sa kapayapaang panrehiyon ang AIIB dahil bilang kasapi ng Bangko, kailangang itakwil ng mga bansang may alitan ang pagkakaiba at hanapin ang mapagkakasunduan.
Kabilang sa 24 na miyembro ng AIIB ay Bangladesh, Brunei, Cambodia, Tsina, India, Indonesia, Kazakhstan, Kuwait, Laos, New Zealand, Maldives, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Nepal, Oman, Pakistan, Pilipinas, Qatar, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Uzbekistan at Biyetnam.
Nakatakdang tapusin ng mga kasaping bansa ang talastasan at paglagda sa Karta at mga regulasyon ng AIIB bago ang katapusan ng darating na Hunyo. Naka-iskedyul namang isaoperasyon ang bangkong ito bago magtapos ang 2015.
Ang AIIB, isang inter-governmental na institusyon, ay itinatag batay sa mungkahi ng Tsina. Naglalayon itong pasulungin ang kaunlaran ng mga bansang Asyano sa pamamagitan ng pamumuhunan sa imprastruktura.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |