Sa Sanya, Lalawigang Hainan ng Tsina--sa katatapos na Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) Para sa 2014, nanawagan ang mga kalahok na educator mula sa Tsina at Pilipinas na pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungang pang-edukasyon ng Tsina't ASEAN.
Iminungkahi ni Han Zhen, kinatawan mula sa Beijing Foreign Studies University na iangat ang lebel ng pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa edukasyong panlingguwahe.
Sinabi naman ni William S. Co, Tagapangulo ng ICCT Colleges, may mahalagang katuturan ang pagkilala sa diploma sa isa't isa ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Idinaos ang 2014 BFA mula nagdaang Martes hanggang Biyernes.
Salin: Jade