Ipinahayag kahapon ni Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong(HKSAR), na bibigyan ng pamahalaan ng HKSAR ng patakarang preperensyal at pagkakataong pangkaunlaran ang mga taga-Hongkong at bahay-kalakal ng HongKong.
Winika ito ni Leung Chun Ying sa seremonya bilang pagdiriwang sa 69 na anibersaryo ng pagkakatatatag ng Hong Kong Swatow Merchants Association Limited.
Sinabi niyang sa kabila ng ibat-ibang hamong dulot ng di-magandang kalagayang pangkabuhayan at mainitang kompetisyon sa daigdig, nananalig pa rin siyang gaganap ng konstruktibong ambag ang mga mangangalakal ng HK para maisakatuparan ang pangmatagalan at sustenableng pag-unlad ng HK, batay sa kani-kanilang pagsisikap at patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."