Ipinahayag kahapon ni Carrie Lam Cheng Yuet Ngor, Chief Secretary for Administration ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong(HKSAR) na puwedeng ipalabas ang pagkakaiba ng palagay ng mga oposisyong mambabatas ng Konsehong Lehislatibo, at ito ay makakatulong sa pagpapahigpit ng administratibong pagpapalitan sa pagitan ng pamahalaang sentral at HKSAR.
Winika ito ni Carrie Lam Cheng Yuet Ngor bilang tugon sa di-pagbibigay-suporta kamakailan ng ilang oposisyong mambabatas ng HKSAR sa "Desisyon ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC) hinggil sa pagdaraos ng pangkalahatang halalan para sa pagka-Punong Ehekutibo ng HKSAR, mula sa taong 2017." Ang naturang desisyon ay pinagtibay ng NPC noong Agosto 31, 2014.