Ayon sa pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong ng Britanya, Amerika, Pransya, Alemanya at Unyong Europeo (EU), natamo ang mahalagang progreso sa talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Dumalo sa pulong na ito sina Philip Hammond, Ministrong Panlabas ng Britanya, John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, Laurent Fabius, Ministrong Panlabas ng Pransya, Frank-Walter Steinmeier, Ministrong Panlabas ng Alemanya, at Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng UN na namamahala sa mga patakarang panlabas at panseguridad.
Bukod dito, ipinalalagay nila na nananatili pa rin ang mga hidwaan sa talastasan. Sa pahayag, hinimok nila ang Iran na agarang isagawa ang kapasiyahan.
Samantala, ipinahayag ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran na isinagawa na ng kanyang bansa ang mga pagsang-ayon sa talastasan, at sa kasalukuyan, dapat isagawa ng Amerika ang mga masusing kapasiyahan.
Sinabi niya na nakahanda ang kanyang bansa na lutasin ang isyung nuklear sa pundasyon ng di-pagsira sa pambansang kapakanan.