LAUSANNE, Switzerland-- Ang bagong round ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran ay binuksan kahapon sa pagitan ng Iran at anim na bansa na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Tsina, Pransiya, Alemanya at Rusya.
Napag-alamang ang pangunahing paksa sa idinaraos na talastasan ay ang bilang ng mga pasilidad na nuklear na maaaring mayroon pa ng Iran, mga hakbang hinggil sa superbisyon, petsa at mga hakbang para kanselahin ang sangsyon laban sa Iran makaraang marating ang komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran na inaasahang mararating bago unang araw ng darating na Hulyo.
Salin: Jade