|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling pahayag ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Singapore, yumao kaninang madaling araw si dating Punong Minsitro Lee Kuan Yew ng bansa sa edad na 91.
Ipinatalastas kaninang umaga ng naturang tanggapan na mula Ika-23 hanggang Ika-29 ng buwang ito, idaraos ang pambansang pakikidalamhati sa Amang Tagapagtatag ng Singapore na si Lee Kuan Yew, at idaraos din ang pambansang libing sa Ika-29 ng Marso.
Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpalabas kahapon ng pahayag (local time) si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-Moon ng United Naitons (UN), bilang pakikiramay sa pagyao ni Lee, at pakikidalamhati sa kanyang kamag-anakan, pamahalaan at mga mamamayang Singaporean.
Nagpadala naman ngayong araw ng mensahe ng pakikiramay si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Tony Tan Keng Yam ng Singapore. Aniya, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino at kanyang sarili, ipinapaabot niya ang taos-pusong pakikiramay sa pagyao ni Lee.
Nagpadala rin ng mensahe ng pakikiramay si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang counterpart na Singaporean na si Lee Hsien Loong.
Sa kanya namang pahayag na ipinalabas kahapon (local time) ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang pakikidalamhati sa pagyao ni Lee. Aniya, si Lee ay isang tunay na dakilang personahe.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |