Kahapon, sa taunang pulong ng Porum ng Pag-unlad ng Tsina sa mataas na antas ng 2015, si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ay nagbukas ng talumpati na nagsasabing buong lakas na pasusulungin ng Tsina ang magkakasamang konstruksyonng "One Belt, One Road", (Silk Road Economic Belt and the 21st Century Maritime Silk Road). Ito ay hindi lamang pagmamana sa diwa ng silk road, kundi rin ideyang pangkooperasyon na mayroong malaking pangangailangan. positibong pinahahalagahan ang ideyang ito ng halos 60 bansa.
Sinabi ni Wang Yi na ang "One Belt, One Road" ay pampublikong produksyon na ipinagkaloob ng Tsina sa buong daigdig. Winewelkam ng Tsina ang aktibong pakikilahok sa isyung ito ng iba't ibang panig mula sa Tsina at buong daigdig.
Salin:Sarah