"Lahat ng mga lider ng may-kinalamang bansa at organisasyong pandaigdig ay inimbitahan na ng Tsina para dumalo sa mga aktibidad ng paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Digmaang Pagtanggol ng Sambayanang Tsino Laban sa Hapon, na idaraos sa darating na Setyembre." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa iniharap na tanong ng mga mamamahayag hinggil sa kung imbitado o hindi ang Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon sa naturang pagtitipon.
Samantala, kaugnay ng pagsadya sa Singapore ni Punong Ma Ying-jeou ng Taiwan bilang pakikiramay kay yumaong Punong Ministrong Lee Kuan Yew ng Singapore, ipinahayag ni Hua na positibo si Ginoong Lee Kuan Yew sa patakarang "Isang Tsina," at gumawa rin siya ng mga bagay na makakatulong sa pagpapasulong ng relasyon sa pagitan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Hinahangaan aniya ng Tsina ang mga ito. Ani Hua, maliwanag at matatag ang mga katugong prinsipyo ng Tsina sa pagkikipag-ugnayan sa Taiwan ng mga bansang may diplomatikong relasyon sa Tsina. Nananalig ang Tsina na maayos na hahawakan ng Singapore ang usaping ito, batay sa patakarang "Isang Tsina," dagdag pa niya.