SINABI ni Senador Miriam Defensor-Santiago na pag-isipan ng mga mamamayan ang posibilidad na maging pangulo ng Pilipinas ang mangangalakal na si Manuel "Manny" V. Pangilinan sa darating na 2016.
Ito ang binanggit ni Senador Santiago sa kanyang talumpati sa Maynilad Leadership Talk sa Pamantasan ng Pilipinas kanina. Itinanong sa press conference pagkatapos ng kanyang talumpati kung maituturing nang endorsement ang kanyang binanggit, sinabi ni Senador Santiago na endorsement na ang kanyang ginawa.
Ani Santiago, ang mga tulad ni Pangilinan ang nararapat maluklok sa liderato at hindi mga taong may mga nalathalang mga mga nagawa sapagkat malaki ang posibilidad na mabulagan sila sa pagiging sapat ng kanilang kakayahan para sa liderato ng bansa. Pinatamaan niya ang mga taong nasa media, pelikula at telebisyon.
Nangungunang kailangan sa mga tatakbong pangulo ay katapatan na pinakamahirap makamtan sapagkat ang katapatan ay hindi sapat na garantiyang mananatili ito sa public service. Pangalawa ang professional excellence at pangatlo ang academic excellence.
Tatakbo rin sa pagka-pangulo si Senador Santiago sa oras na bumuti ang kanyang karamdamang cancer. Ang Maynilad ay isa sa mga lumpanyang pag-aari ni G. Pangilinan tulad ng PLDT, Meralco, Smart, Metro Pacific at TV 5.