|
||||||||
|
||
SA paggasta ng pamahalaan sa mga pagawaing-bayan, sumigla ang ekonomiya. Ito ang buod ng ulat ng Asian Development Bank sa kanilang paglalahad ng pagsusuri sa bansa ngayong 2015 hanggang sa susunod na taon. Nakatulong din ang paggasta ng mga Filipino sa iba't ibang mga paninda, paglalagak ng salapi sa kalakal at exports.
Gumaan din ang inflation at inaasahang mananatiling banayad. Nananatili ang hamon sa pagpapalawak ng infrastructure development at pagsusulong ng mga reporma upang higit na magkaroon ng mga hanapbuhay at kabawasan sa bilang ng mahihirap sa bansa.
Sa inilabas na ulat, sinabi ng Asian Development Bank na lumago ang ekonomiya ng 6.1% noong 2013 dahilan sa paggastos ng mga mamamayan, mas mataaas na fixed investment at pagbawi ng exports. Ang bilis ng pag-unlad ay nabawasan ng isang percentage point mula sa average nito sa dalawang sunod na taon dahil sa pagiging masinop na paggasata ng pamahalaan.
Napuna rin na ang private consumption ang higit sa 60% ng Gross Domestic Product growth. Lumago ang consumer spending ng may 5.4% na nakinabang sa pagtaas ng 2.8% sa employment, bahagyang inflation at mas mataas na remittances mula sa mga overseas Filipinos na umabot sa US$ 27 bilyon matapos tumaaas ng 6.3% noong 2014 o 10.9% sa salapi ng Pilipinas.
Nagkataon lang na services pa rin ang nakaambag ng halos sa 60% sa Gross Domestic Product growth samantalang ang manufacturing ang nakapagbigay ng may 33% na pinangunahan ng wholesale at retail trading, business process outsourcing, turismo, finance at real estate.
Ang sektor ng manufacturing ay lumago ng 8.1% at malapit sa taunang average rate of increase. Nadama rin ang pinsalang idinulot ng malalakas na bagyo tulad ni "Haiyan" noong 2013 at iba pang mga bagyo noong nakalipas na 2014 ang nagpababa sa agricultural production subalit nakabawi sa magandang kontribusyon ng pangisdaan at mga pananim na lumago ng 1.9% kung ihahambing sa naganap noong 2013.
Maganda ang hinaharap ng Pilipinas ngayong 2015 mula sa magandang pribadong consumption noong 2014 samantalang nagkaroon ng kaunlaran sa pagkakaroon ng hanapbuhay, banayad na inflation at mas malaking halagang papasok mula sa overseas Filipinos. Naka isang milyong bagong hanapbuhay ang nakamtang noong nakalipas na taon.
Kinikilalang peligro sa katatagan ng ekonomiya ng bansa ang mabagal na pagbawi ng mga bansang Japan at Estados Unidos at maging sa Euro area na siyang pinatutunguhan ng Philippine exports.
Maaaring magkulang ang kuryente sa Luzon. May incentives na inilalaan ang pamahalaan sa malalaking kumpanya na gamitin ang kanilang mga generator sa peak hours. Matapos ang Mayo 2016, magkakaroon ng pagbabago sa mga prayoridad at pamamalakad sa larangan ng ekonomiya dahil sa pagpasok ng bagong pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |