Sinimulang idaos ang 4 na araw na Bo'ao Asia Forum sa Bo'ao, Hainan ng Tsina. Ipinahayag ng mga kalahok na dating lider ng mga bansang ASEAN na ang Bo'ao Forum ay isa sa mga pinakaimportanteng porum sa buong daigdig na may napakalaking impluwensiya.
Ipinahayag ni Abdullah Haji Ahmad Badawi, dating Punong Ministro ng Malaysia na nitong ilang taong nakalipas, mabuti sa kabuuan ang pag-unlad ng kabuhayan ng Asya, at ito ay unti-unting nagiging puwersang pantulak ng kabuhayan ng buong daigdig. Aniya pa, dapat mas maraming lumahok ang mga bansang Asyano sa pangangasiwa sa mga suliraning pandaigdig, at ang Bo'ao Forum ay nagkakaloob ng isang malawakang plataporma para rito.
Ipinhayag naman ni Norodom Sirivudh, dating Pangalawang PM at Ministro ng Mga Suliraning Panlabas ng Kambodya, na nitong ilang taong nakalipas, maraming mahahalagang isyu ang inihaharap, ina-aanalisa at tinatalakay sa Bo'ao Forum. Ang lahat ng mga ito aniya, ay naging pangunahing prinsipyong papatnubay sa kaunlaran ng komunidad ng daigdig sa hinaharap.
Ayon naman kay Mari Elka Pangestu, Dating Ministro ng Turismo ng Indonesya, na ang mungkahi ng Tsina tungkol sa pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ay nakatawag ng malaking pansin mula sa buong daigdig. Tio aniya ay palatandaang may bagong puwersang pantulak ang pagtatatag ng imprastruktura ng Asya.