Sa Boao, Lalawigang Hainan ng Tsina—Idinaos dito kahapon ang Roundtable Meeting ng mga Lider ng Media sa Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa taong 2015. Dumalo sa pulong ang mahigit 20 namamahalang tauhan ng mga media na galing sa 17 bansang gaya ng Rusya, Estaodos Unidos, at Britanya. Ang pangunahing paksa ng naturang pulong ay "pagbubuklod ng komong palagay sa Maritime Silk Road, at magkakasamang pagpaplano para sa bagong kinabukasan ng kooperasyon ng mga media." Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa bagong ideya ng transkultural na pagpapalaganap, at itinakda ang blueprint ng pag-unlad ng kooperasyon ng mga media sa hinaharap. Narating sa pulong ang maraming komong palagay, at nilagdaan ang "Mungkahi ng Silkroad."
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Jiang Jianguo, Puno ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang pagpapasulong sa estratehiya ng "One Belt One Road" ay hindi lamang nakakapaghatid ng parami nang paraming pagkakataong pangkooperasyon sa mga babaying bansa, kundi lumilikha rin ng palawak nang palawak na plataporma para sa mga media.
Si Wang Gengnian, Presidente ng China Radio International
Ginawa naman ni Wang Gengnian, Tagapangulo ng naturang pulong at Presidente ng China Radio International ang concluding remarks.
Salin: Vera