Ayon sa Pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore, ang pakikipagtulungang pangkalakalan ng Indonesia sa Tsina at Hapon ay makikinabang sa katatapos na biyahe ni Pangulong Joko Widodo kamakailan sa naturang dalawang bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Franky Oesman Widjaja, Puno ng Awtoridad sa pamumuhunan ng Indonesia na mas maraming ipinangakong pamumuhunan ang natamo ng kanyang bansa mula sa Tsina, kaysa sa Hapon.
Aniya, 68.44 bilyong dolyares ang ilalaan ng Tsina sa Indonesia, at 5.6 bilyong dolyares naman ang mula sa Hapon.