Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sinimulan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina, at lalahok sa Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).
Ito ang pangalawang pagbisita ni Widodo sa Tsina. Noong Nobyembre, 2014, isang buwan makaraang manungkulan si Widodo bilang pangulo ng Indonesia, dumalaw siya sa Tsina at dumalo sa Pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na idinaos sa Beijing.
May mahalagang katuturan ang kasalukuyang pagdalaw ni Widodo sa Tsina dahil ang taong 2015 ay ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Indonesia, at ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng dalawang bansa ng estratehikong partnership.
Sa isang panayam bago siya dumating ng Beijing, ipinahayag ni pangulong Widodo ang kanyang pag-asang sa pamamagitan ng kanyang biyahe sa Tsina, mapapalawak ng Tsina ang pamumuhunan sa imprastruktura ng Indonesia dahil ang astrasadong impraestruktura ay nagiging sagabal sa pag-unlad ng Indonesia. Sa BFA, bibigkas ng talumpati si Widodo hinggil sa pagpapasulong ng connectivity sa himpapawid, lupa, at dagat ng mga bansang Asyano.
Sa nasabing panayam, ipinahayag din ni Widodo na ang mungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng Maritime Silk Road for the 21st Century, ay may kahawig sa kanyang estratehiya na itatag ang Indonesia bilang malakas na bansang pandagat.
Salin: Jade