|
||||||||
|
||
Kinumpirma kahapon ng Ministri ng Pinansiya ng Tsina na opisyal na nag-aplay kahapon ang Iceland at Portugal para sumapi sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Sa gayon, umabot na sa 51 ang bilang ng mga bansang naging o nakahanda nang maging miyembrong tagapagtatag ng AIIB.
Ang relasyon ng AIIB at iba pang katulad na institusyong panrehiyon at pandaigdig na gaya ng Asian Development Bank (ADB) at World Bank ay nakatawag ng malawak na pansin.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhou Qiangwu, dalubhasa sa pagbabangko at pangalawang director ng Sentro sa Asya-Pasipiko ng Ministri ng Pinansya ng Tsina na malawak sa hinaharap ang pagtutulungan ng AIIB, ADB at World Bank sa larangan ng pagpapalitan ng mga tauhan at pangongolekta ng pondo para sa mga proyekto. Aniya pa, ang pagtatatag ng AIIB ay magpapasulong din ng pagrereporma sa pandaigdig na kasalukuyang kaayusang pampulitika at pangkabuhayan.
Ipinahayag naman ni Stephen P. Groff, Pangalawang Presidente ng ADB ang kahandaan ng kanyang bangko na makipagtulungan sa AIIB. Malawak aniya ang potensyal ng pagtutulungan ng dalawang bangko sa pamumuhunan sa imprastruktura. Magiging partner ang dalawang bangko sa halip ng magkaaway, dagdag pa niya.
Bukod sa nasabing dalawang bansang Europeo, Tsina at Pilipinas, ang iba pang 47 bansang sumapi o nakahanda nang sumapi ng AIIB ay Bangladesh, Brunei, Cambodia, Tsina, India, Indonesia, Jordan, Kazakhstan, Kuwait, Laos, Maldives, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Nepal, New Zealand, Oman, Pakistan, Qatar, Saudi Arabia, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Uzbekistan, Biyetnam, Tajikistan, Timog Korea, Israel, Sweden, Norway, Kirgizstan, Australia, Pransiya, Italya, Alemanya, Rusya at Denmark.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |