Mula unang araw ng Abril ng taong ito, ipinataw ng Pamahalaan ng Malaysia ang 6% consumption tax.
Ipinahayag ni Muhyiddin Yassin, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia, na kung makikita ng mga mamimili ang mga problema hinggil sa pagpapataw ng consumption tax, dapat iharap ang mga ito sa pamahalaan at tutulungan ng mga opisiyal ang mga mamimili sa paglutas ng mga ito.
Pero ayon sa ulat ng Malaysian Chinese Association (MCA), pesimistiko ang mga mangangalakal sa kinabukasan ng pambansang kabuhayan, dahil sa pagpapataw ng pamahalaan ng consumption tax.