Sa katatapos na Bo'ao Asia Forum na idinaos sa lalawigang Hainan ng Tsina, sinabi ni Wang Yi, Minstrong Panlabas ng Tsina, na dapat itatag ng Tsina at ASEAN ang mas mahigpit na komunidad para isakatuparan ang magkasamang kasaganaan.
Ayon sa kanya, ang pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng Tsina at ASEAN ay kinabibilangan ng "21st Century Maritime Silk Road," pagpapalalim ng pagtitiwalaang pulitikal at mainam na relasyong pangkaibigan at pangkapitbansa, pagpapalawak ng komong kapakanan, at pagpapahigpit ng mga kooperasyon sa kalakalan, transportasyon, imprastruktura, pinansiya, isyung pandagat, seguridad, kultura, siyensiya, at pangangalaga sa kapaligiran.
Bukod dito, ipinahayag ni Wang ang pagtanggap at pagkatig ng Tsina sa pagtatatag ng ASEAN Community sa katapusan ng taong ito.