Sa seremonya ng pagbubukas ng No.9 national road ng Kambodya at Mapagkaibigang Tulay ng Tsina at Kambodya sa Stung Treng, ipinahayag kahapon ni Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya ang pasasalamat sa tulong na pondo na ibinigay ng Tsina.
Sinabi ni Hun Sen na nananatiling matagal ang mapagkaibigang pagtutulungan ng Tsina at Kambodya sa kasaysayan at kasalukuyan. Aniya, ang tulong na ibinigay ng Tsina ay nagsusulong hindi lamang sa pambansang kabuhayan ng Kambodya, kundi rin sa transportation connectivity sa loob ng kanyang bansa at rehiyong ito.
Binigyan ng Tsina ng preperensyal na pautang ang nasabing mga proyekto.