Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagharap ng solemnang representasyon ng kanyang bansa sa Amerika bilang tugon sa paglapag kamakalawa ng dalawang eroplanong panagupa ng Amerika sa paliparang militar sa Tainan ng Taiwan, dahil sa mga problemang pangmakinarya.
Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na sumunod sa patakarang "Isang Tsina" at prinsipyong binalangkas sa Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, maayos na paghawak ng mga may kinalamang isyu, at pag-iwas sa muling pagkaganap ng katulad na pangyayari.