Sinabi kahapon ni Ernest Moniz, Kalihim ng Enerhiya ng Amerika sa regular na preskon sa White House na magiging pangmatagalan ang kasunduan sa isyung nuklear ng Iran na kasalukuyang tinatalakay ng mga may kinalamang panig.
Ang preliminaryong kasunduan sa masususing punto ng isyung nuklear ng Iran ay narating ng Iran, Britanya, Tsina, Pransiya, Rusya, Estados Unidos, Alemanya, Uniyong Europeo makaraang walong oras na mainit na pagsasanggunian noong ika-2 ng Abril, sa Lausanne, Switzerland.
Sa susunod na yugto, babalangkasin ng nasabing mga panig ang burador ng komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran.
Salin: Jade