Sa isang interview, ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina ang pagtanggap sa pagdating ng pangunahing komong palagay sa isyung nuklear ng Iran. Sinabi niyang ito ay magandang balita para sa buong daigdig. Naglatag ito aniya ng matibay na pundasyon sa pagdating ng komprehensibong kasunduan sa susunod na hakbang.
Ipinahayag ni Wang na ang isyung nuklear ng Iran ay may kinalaman sa pandaigdigang sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear, sa mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear ng Iran at kapayapaan at katatagan ng rehiyong Gitnang Silangan. Dagdag ni Wang, ang tumpak na kalutasan sa isyung ito sa diyalogo, na angkop sa komong interes at kapakanan ng komunidad ng daigdig at "Karta ng UN".