BEIRUT, Lebanon—Nanawagan kahapon dito si Anthony Blinken, dumadalaw na Pangalawang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos sa komunidad ng daigdig na magkakasamang magsikap para mapawi ang banta ng mga organisasyong ekstrimista na gaya ng Islamic State (IS).
Ipinahayag ni Blinken ang nasabing panawagan sa preskon makaraang makipag-usap siya sa mga lider ng Lebanon.
Ipinagdiinan din niyang upang malabanan ang terorismo, hindi lang ang operasyong militar ang kakailanganin ng iba't ibang bansa, kakailanganin din ang magkakasamang aksyon ng komunidad ng daigdig. Kasabay nito, kailangan ding putulin ang tulong pinansyal at materyal sa organisasyong terorista at pigilin ang mga tao sa pagsapi sa mga ganitong organisasyon, dagdag pa ni Blinken.
Sa kasalukuyan, kadalasang pumapasok sa Lebanon ang mga elemento ng IS sa pamamagitan ng Syria para sakupin ang teritoryo ng Lebanon.
Salin: Jade