KUALA LUMPUR—Ipinahayag kahapon ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na ang kanyang bansa ay isa sa mga bansang may pinakamabilis na umuunlad na kabuhayan sa rehiyon.
Sa Ika-11 Malaysia Plan Workshop, sinabi ni Liow na sa kasalukuyan, ang Malaysia ay isang manufacturing at service industry-oriented economy, mula sa agriculture-oriented na bansa noong nakaraan.
Idinagdag ni Liow na noong 2014, sa kabila ng matumal na kabuhayang pandaigdig, umabot sa 6% ang paglaki ng kabuhayan ng Malaysia. Sa gayon, ito ay naging isa sa mga bansa ng Timog-silangang Asya na may pinakamabilis na paglaki ng kabuhayan.
Salin: Jade