Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

11 araw na maharlikang kasalan, idinaraos sa Brunei

(GMT+08:00) 2015-04-13 15:39:57       CRI

Isang maharlika at enggrandeng seremonya ng kasal na tatagal ng 11 araw ang idinaraos mula ika-5 hanggang ika-15 ng buwang ito upang pag-isahing dibdib ang 31 taong gulang na si Prinsipe Abdul Malik ng Brunei at kanyang nobya, 22 taong gulang na si Dayangku Raabi'atul 'Adawiyyah Pengiran Haji Bolkiah.

Ang nasabing seremonya ng kasal ay idinaraos sa palasyong may 1,788 silid, na matatagpuan sa Bandar Seri Begawan, kabisera ng Brunei.

Ang ama ng prinsipe na si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, ay isa sa mga pinakamayamang tao sa buong daigdig.

Si Sultan Hassanal Bolkiah ay may 12 anak, 5 lalaki at 7 babae. Ang kasalukuyang ikinakasal na si Prinsipe Abdul Malik ay ika-6 na anak ng Sultan kay Reyna Saleha.

Si Abdul Malik ang ika-2 sa line of succession para maging susunod na Sultan ng Brunei .

Samanatala, ang 22-taong-gulang na bride na si Dayangku Raabi'atul 'Adawiyyah Pengiran Haji Bolkiah, ay isang systems data analyst at IT instructor.

salin:wle

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>