Mula ika-13 hanggang ika-16 ng Abril ay ang Water-Sprinkling Festival ng lahing Dai ng Tsina bilang pagdiriwang sa bagong taon. Ang naturang pestibal ay tinatawag rin na Songkran sa Thailand at ayon sa kalendaryo ng budismo, ito rin ay para ipagdiwang ang bagong taon sa Thailand, Myanmar, Laos at Cambodia.
Sa pestibal na ito, nagbubuhusan ang mga tao ng malinis na tubig sa isa't isa para alisin ang mga masamang bagay sa nagdaang taon at magkaroon ng suwerte sa bagong taon.
Narito ang mga litrato habang nagdiriwang ang mga batang Tsino ng lahi Dai sa Yunan ng pestibal na ito.