Sa Kuala Lumpur — Idinaos kahapon ang isang seremonya bilang pagbubukas ng Bank of China (BC) bilang RMB clearing bank sa Malaysia. Dumalo at nagtalumpati sa seremonya sina Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia, Huang Huikang, Embahador ng Tsina sa Malaysia, at Chen Siqing, Puno ng BC.
Sa kanyang mensahe, lubusang patitingkarin ng BC ang papel ng clearing bank sa Kuala Lumpur sa rehiyong Timog Silangang Asyano. Tutulungan din aniya ng BC ang Malaysia sa pagpapatingkad ng mas mahalagang papel sa ASEAN.
Salin: Li Feng