Ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na bilang isang matatag na salaping kinikilala ng daigdig, maaaring ibayo pang mapasulong ng RMB ang kalakalan at pamumuhunan ng rehiyong ASEAN.
Sa seremonya bilang pagbubukas ng Bank of China (BC) bilang RMB clearing bank sa Malaysia, sinabi ni Najib na bilang isang pangunahing currency of settlement ng kalakalang pandaigdig, unti-unting kinikilala ng daigdig ang katayuan ng RMB. Aniya pa, ang pagtatatag ng RMB clearing bank ay ibayo pang makakapagpasulong sa bilateral na relasyong Malay-Sino.
Salin: Li Feng