Ayon sa datos na isinapubliko ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, umabot sa mahigit 14 na trilyong Yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 7% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Umabot naman sa 6,087 Yuan RMB ang Disposable Income (DI) ng bawat residente ng buong bansa noong unang kuwarter ng taong ito, na lumaki ng 8.1% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ito ay mas malaki kaysa bahagdan ng paglaki ng GDP ng bansa.
Bukod dito, ipinakita rin ng datos na noong unang kuwarter ng taong ito, umabot sa mahigit 7 trilyong Yuan RMB ang kabuuang halaga ng retail sales ng consumer products sa lipunang Tsino. Ito ay mas malaki ng 10.8% kumpara sa unang kuwarter ng taong 2014.
Salin: Li Feng