Tinukoy kamakailan sa artikulo ni Murtaza Syed, Pangalawang Kinatawan ng International Monetary Found (IMF) sa Tsina, na pagkaraang matamo ang breakthrough sa pagpapaliit sa pag-asa sa pagpapasigla ng financial policy at monetary policy, at pagbabago ng modelo ng pag-unlad ng kabuhayan, ang Tsina ay nananatili pa ring malakas na makinang tagapagpasulong ng kabuhayang pandaigdig.
Anang artikulo, ang kasalukuyang hamon na kinakaharap ng Tsina ay pagbabago ng modelo ng pag-unlad ng kabuhayan sa sustenableng pag-unlad na batay sa konsumo, sa halip na batay sa credit at pamumuhunan.
Anito, ang mga reporma sa larangan ng macropolicy, industrial policy at social policy ay makakapagdulot ng pangmatagalang bunga. Anito pa, sa susunod na 10 taon at mas malayong hinaharap, ang Tsina ay magiging malakas na makinang tagapagpasulong ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Andrea