Noong ika-20 ng Enero, 2015, sa kanyang inspeksyon sa lalawigang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat pangalagaan ang kapaligirang ekolohikal na tulad ng pangangalaga sa mata at dapat pakitunguhan ang kapaligirang ekolohikal na kapareho ng pakikitungo sa buhay.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng panayam ang mga mamamahayag ng China Radio International (CRI) na kinabibilangan ni Presidente Wang Gengnian ng CRI, sa Wuding County ng Yunnan, hinggil sa kung paanong i-balanse ng mga magsasakang lokal ang pagpapaunlad ng kabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran.
Si Ginoong Li Guozhong ay may-ari ng isang manukang lokal. Noong 2009, nagsimula lamang sa 18 manok ang kanyang farm, pero sa kasalukuyan, lumago na sa 14,000 ang bilang ng mga manok na inaalagaan niya. Mahigit 600 pamilya ang nahikayat na mag-alaga ng mga manok dahil sa tagumpay ni Li. Umaasa si Li na makakatulong siya sa mas maraming magsasakang lokal na maging mayaman sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng sariling manukan.
Ipinagdiinan ni Wen Zhong, Pangalawang Direktor ng Kawanihan ng Panghahayop ng Wuding County na ang pananangan sa natural at organikong paghahayupan ay ang bottom line sa pagpapaunlad ng industriya ng manukan ng lokalidad.
Salin: Jade