Sa kanyang talumpati sa 2015 Cyber Space International Conference na idinaos kahapon sa Hague, Netherlands, ipinahayag ni Mark Rutte, Punong Ministro ng nasabing bansa na naikonekta ng internet ang buong mundo, at inaasahang niyang magpapatuloy ang nasabing ugnayan.
Inilahad naman ni Wang Xiujun, Pangalawang Puno ng State Internet Information ng Tsina ang kasalukuyang kalagayan at isinasagawang patakaran ng Tsina sa usaping ito, pati na ang pagsisikap ng bansa sa pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig sa larangan ng cyber security.
Tinalakay din ng mga kalahok na kinatawan, ang mga isyung may-kinalaman sa seguridad ng internet, kaunlarang pangkabuhayan, pangangalaga sa pribadong impormasyon, at iba pa.