|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa katatapos na Unang Pulong ng Mekanismo ng Pagsasanggunian ng Tsina, Hapon at Timog Korea hinggil sa Cyberspace Security, pinag-usapan ng mga kalahok ang hinggil sa pakikibaka laban sa krimen at terorismo online at katugong pagtutulungan.
Idinaos ang nasabing pulong kahapon sa Beijing. Ang ikalawang pulong ng nasabing mekanismo ng tatlong bansa ay idaraos sa Timog Korea sa susunod na taon.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |