Ipinahayag kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na bilang magkabalikat at magkaalyadong bansa na lumaban sa pasismong pandaidig at militarismo ng Hapon noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig(WWII), normal ang magkasamang pagdaraos ng Rusya at Tsina ng mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World Anti-Facist War at Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression. Sinabi ni Putin na ito ay para palakasin ang kaisipan ng batang henerasyon ng dalawang bansa sa pakikibaka laban sa pasismo at militarismo.