Idinaos kahapon sa Shenzhen ng lalawigang Guangdong ang ika-13 Conference on International Exchange of Professionals (CIEP) ng Tsina.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Ma Kai, Pangalawang Premyer Tsino, na ang mga natamong bunga ng Tsina sa kabuhayan at lipunan ay nagmula sa pagsisikap ng Sambayanang Tsino at paglahok at pagbibigay-tulong ng mga talento ng iba't ibang bansa.
Sinabi pa niya na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang mga talento sa loob at labas ng bansa. Aniya pa, bukas ang pamilihang Tsino sa naturang dalawang uri ng talento.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran na gaya ng pagpapasulong ng inobasyong pangkabuhayan, pagpapataas ng kalidad at episiyensiya ng paglaki ng kabuhayan, at pagpapatatag ng mas mainam at pantay na kapaligiran para sa karera ng iba't ibang uri ng talento. Ang mga ito, aniya, ay magkakaloob ng mas malawak na plataporma at mas magandang pagkakataon para sa mga talento sa loob at labas ng Tsina.
Dagdag pa niya, winewelkam ng pamahalaang Tsino ang paglahok ng mga talentong Tsino at dayuhan sa usapin ng pagsasakatuparan ng China Dream.