Nagdaos kahapon ng pangkagipitang pulong ang pamahalaan ng Britanya para talakayin ang mga bagay na may kinalaman sa pagharap sa epidemiya ng Ebola virus. Samantala, ipinatalastas naman ng Ministri ng Kalusugan ng Timog Aprika na pumasok na ang bansang ito sa state of emergency para mapigilan ang pagkalat ng Ebola virus sa loob ng teritoryo.
Ipinahayag ni Jeremy Hunt, Ministro ng Kalusugan ng Britanya, na mayaman ang karanasan ng sistemang pangkalusugan nila sa pagharap sa mga epidemiya, kaya maliit ang pagkakataon ng pagkalat ng Ebola virus sa Britanya.
Sinabi naman ni Sir Mark Walport, Punong Tagapayo sa usaping pangkalusugan ng Pamahalaan ng Britanya, na matamang sinusubaybayan nila ang epidemya ng Ebola virus sa Aprika at naghahanda sila para maiwasan ang pagpasok ng Ebola virus sa Britanya.
Bukod dito, sinabi ni Aaron Motsoaledi, Ministro ng Kalusugan ng Timog Aprika, na dahil kumakalat ang epidemiya ng Ebola virus sa mga bansa sa Kanlurang Aprika, dapat magsagawa ang kanilang pamahalaan ng mga katugong hakbangin para rito.
Salin: Ernest