Ipinahayag kahapon sa Durban, Timog Aprika, ni Pangulong Jacob Zuma ng bansang ito na hindi paaalisin ng kanyang bansa ang mga dayuhan at ang mga naganap na insidente ng pag-atake sa mga dayuhan ay ginawa ng iilang Taga-Timog Aprika.
Sinabi niyang ang kasalukuyang pangunahing gawain ay pagpapatigil ng kaguluhan at mga marahas na pag-atake na nakatuon sa mga dayuhan.
Upang harapin ang naturang problema, kinansela niya ang itinakdang dalaw-pang-estado sa Indonesia.
Pero binabalak ng mga bansang Aprikano na ilikas ang mga sibilyan nito mula sa Timog Aprika. Ang naturang mga bansa ay kinabibilangan ng Zimbabwe, Malawi, Mozambique, Somalia, Kenya, at Nigeria. Ang mga bansang ito ang pangunahing naapektuhan ng nabanggit na marahas na insidente.
Hanggang kahapon, ang mga insidente ng pag-atake sa mga dayuhan ay nagresulta sa pagkamatay ng 6 at pagkasugat ng ilampu. Bukod dito, nilooban din ang ilang daang tindahan ng mga dayuhan.