Ang kasalukuyang biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pakistan ay nakakatawag ng malaking pansin ng mga mediang Pakistani. Magkakasunod na ipinalabas ng mga malalaking media ng Pakistan na gaya ng pahayagang "Dawn," pahayagang "Daily Jang," at Associated Press of Pakistan, ang mga komentaryo bilang papuri sa bunga ng naturang biyahe.
Sinabi ng naturang mga komentaryo na ang paglagda ng mga lider ng Tsina at Pakistan sa 51 kasunduang pangkooperasyon at Memorandum of Understanding, ay isang palatandaang pumasok na ang konstruksyon ng China-Pakistan Economic Corridor sa yugto ng mabilis na pag-unlad.
Salin: Li Feng