Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Sino-Kambodyano, palalakasin

(GMT+08:00) 2015-04-21 16:42:31       CRI

Sa Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw kay Norodom Ranariddh, dumadalaw na Pangulo ng Funcinpec Party ng Cambodia, sinabi ni Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina na malalim ang mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Cambodia, at lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyong ito.

Ani Li, ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng opisyal na pagtatatag ng relasyong pangkaibigan ng Cambodia's Funcinpec Party at Partido Komunista ng Tsina (CPC). Umaasa aniya siyang mapapanatili ng dalawang bansa ang tunguhin ng pagdadalawan sa mataas na antas, at mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan para mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Norodom Ranariddh na tulad ng dati, patuloy na kakatigan ng kanyang partido ang Tsina at kooperasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>