Sa Jakarta, Indonesia — Ipinahayag kamakailan ni Nus Nuzulia Ishak, Puno ng Departamento ng Kalakalang Panlabas ng Ministri ng Kalakalan ng Indonesia, na napapatingkad ng mga ekonomiya ng Asya at Aprika ang mahalagang papel para sa paglaki ng kalakalan ng bansa. Nitong ilang taong nakalipas, natamo aniya ng pagluluwas ng Indonesia sa mga bansa't rehiyong Asyano at Aprikano ang positibong paglaki.
Dagdag pa niya, ito'y nagpatunay sa katotohanang ang mga bansang Asyano at Aprikano ay mahalagang partner ng Indonesia.
Salin: Li Feng