Ipinsiya ng Bangko Sentral ng Indonesia na mula unang araw ng Hulyo, 2015, ipagbabawal ang transaksyon sa pamamagitan ng dayuhang salapi sa loob ng bansa. Ang mga lalabag sa tadhana ay magbabayad ng penalty, mawawalan ng lisensiya ng pamamlakad, o maging mabibilanggo.
Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng Departamento ng Pangangasiwa sa Pondo ng naturang bangko na ayon sa rekord ng Bangko Sentral ng bansa, umabot sa 6 na bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng transaksyon ng dayuhang salapi sa loob ng bansa na lumabag sa batas sa salapi. Kabilang dito, 95% ay non-cash transaction, at 5% ay cash transaction. Halos 70% ay transaksyon ng paninda, at 13% ay transaksyon ng serbisyo.
Salin: Vera