Ayon sa lokal na awtoridad ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, hanggang sa kasalukuyan, 17 katao na ang nasawi, at 5 iba pa ang nasugatan sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet dahil sa epekto ng lindol sa Nepal.
Sa kasalukuyan, komprehensibong isinasagawa ng Tibet ang gawaing panaklolo. Ipinalabas ngayong araw ng Headquarters of the General Staff at General Political Department ng People's Liberation Army (PLA) ang magkasanib na atas. Hinihiling nila sa rehiyong militar ng Beijing, rehiyong militar ng Chengdu, hukbong panghimpapawid, at People's Armed Police, na buong tatag na isakatuparan ang desisyon at atas ni Pangulong Xi Jinping at Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at buong sikap na isagawa ang gawaing panaklolo sa nilindol na purok sa Tibet.
Salin: Li Feng