Kasalukuyang idinaraos ang ika-26 na Summit ng ASEAN sa Malaysia, mula ika-24 hanggang ika-28 ng buwang ito
Kaugnay nito, ipinahayag ni Anifah Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia na ang pagtatatag ng komunidad ng ASEAN ay milestone sa pagsasakatuparan ng integrasyon ng ASEAN. Makikinabang dito aniya ang 600 milyong mamamayan ng mga bansang ASEAN.
Ipinahayag naman ni Yang Xiuping, Embahador ng Tsina sa ASEAN na Ang Plano ng Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo ay magsusulong sa komprehensibong pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, na gaya ng kanilang konektibidad sa karagatan at lupa, kabuhayan at kalakalan, paggagalugad ng likas-yamang mina at enerhiya, at iba pa.