Libu-libong Hapones ang nagrali kahapon sa Tokyo bilang tutol sa pagtatatag ng mga bagong base militar ng Amerika sa Okinawa.
Nauna rito, sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan sa Gobernador ng Okinawa na si Onaga Takeshi, ipinahayag ni Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon ang pag-asang ililipat ang Futenma Air Station ng hukbong Amerikano tungo sa Henoko. Pero, tinanggihan ni Takeshi Onaga ang nasabing plano.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nasa Amerika si Punong Ministro Abe para sa kanyang walong araw na pagdalaw sa bansang ito.