Sa Kuala Lumpur, Malaysia -- Idinaos kahapon ang Ika-13 Pagsasangguniang Pangkalakalan ng ASEAN at Unyong Europeo (EU). Isiniwalat ni Datuk Mustapa Mohamad, Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Malaysia, na ipinuhunan na ng EU ang 94 na bilyong dolyares sa ASEAN.
Tinukoy ni Datuk Mustapa Mohamad na malalimang nakakaapekto ang integrasyong pangkalakalan ng ASEAN sa kabuhayang pandaigdig. Aniya, noong taong 2013, ang ASEAN ay naging ika-7 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Mula noong 2010 hanggang 2013, umabot sa 94 na bilyong dolyares ang pamumuhunan ng EU sa ASEAN, at ito ay katumbas ng 22% ng kabuuang pamumuhunan ng ASEAN, dagdag niya.
Salin: Li Feng