Sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas kahapon ng mga kinatawan ng ASEAN at Unyong Europeo (EU) pagkaraan ng kanilang pagsasangguniang pangkalakalan, sinabi nito na bago ang katapusan ng taong ito, mag-uusap ang mga mataas na opisyal ng dalawang panig para tasahin at talakayin ang hinggil sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng ASEAN at EU.
Sinabi ni Cecilia Malmström, Komisyoner ng Kalakalan ng EU, na babalangkasin ng EU at ASEAN ang Kasunduan ng Malayang Kalakalan.
Ang EU ay ika-2 pinakamalaking trade partner ng ASEAN. Noong isang taon, umabot sa 248 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng dalawang panig.
Salin: Li Feng